魔鏡歌詞網
魔鏡歌詞網 > 歐美歌手 > The Mabuhay Singers > Halina't Umawit > Sa Libis Ng Nayon

The Mabuhay Singers



歌詞
專輯列表
歌手介紹

The Mabuhay Singers

Sa Libis Ng Nayon

Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon
Taginting nitong kudyapi ay isang himatong
Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon
Bawa't puso'y tumutugon sa nilalayon.

Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan.

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis ng nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban,
Kayamanan at dangal ng kabukiran.