魔镜歌词网
魔镜歌词网 > 欧美歌手 > Florante > Bahay

Florante



歌词
专辑列表

Florante

Bahay

Sagana na sanat lubos ang ligaya sa bahay na ito ngunit parang kulang.
May bangang puno ng tubig, may bigas na isasaing.
Sa paminggalan ay may ulam, wala na halos suliranin
Itong bahay na kahit pawid sagana sa makakain
Nag-iisa sa may bukid, ligid ng sariwang hangin.
Bahay na gawa sa pawid, nasa lilim ng kawayan
Luntian ang buong paligid sa gulay at mga halaman
Itong bahay na kahit pawid, palaging kaakit-akit
Paligid ay kaibig-ibig, sa lupa ito ay langit
Sagana na sanat lubos ang ligaya sa bahay na ito ngunit mayrong kulang.
Kulang ng isang tulad mo ang munting bahay na ito upang maging isang palasyo.
Kulang ng isang tulad mo ang munting bahay na ito upang maging isang palasyo.
Kulang ng isang tulad mo ang munting bahay na ito upang maging isang palasyo