- 歌词
- 专辑列表
- 歌手介绍
Siakol
-
P.I.
[Intro:]
[Verse I:] Narito ako sa isang lugar na hindi 'ko maintindihan Nakikipagsapalaran sa buhay na ang hantungan ay kawalan.
[Refrain:] De numero ang galaw ng tao, bawat gawin ay may presyo Oh, narito ako sa isang lugar na hindi ko maintindihan.
[Verse II:] Daing ng tao'y 'di pinapansin nililipad ng hangin Pagkain sa araw-araw hindi malaman pa'no pagkakasyahin.
[Refrain II:] Lalong yumayaman kapag mayaman, lalong naghihirap kapag mahirap Oh, narito ako sa isang lugar na hindi ko maintindihan.
[Chorus:] Walang ginagawa ang mga walang awa Walang nagagawa kahit pa ngumawa, magmakaawa, Bumaha ng mga luha--- haaa! Bumaha ng mga luha--- haaa!
[Verse III:] Narito ako sa isang lugar ng mga taong tumatakas Naghahanap ng swerte sa iba dahil dito'y wala ng bukas.
[Refrain III:] Kakarampot na sasahurin, sa sobrang mahal ng mga bilihin Oh, narito ako sa isang lugar na hindi ko maintindihan.
[Repeat Chorus]
(Repeat I)
[Refrain:] De numero ang galaw ng tao, bawat gawin ay may presyo Oh narito ako, oh narito, oh narito ako bakit ganito! Oh narito ako sa isang lugar na hindi ko maintindihan.
-
|