Mojim Lyrics
Mojim Lyrics > Americas singers > Johnoy Danao > Samu't-Sari > Buntong-Hininga

Johnoy Danao



Lyrics
Album list

Johnoy Danao

Buntong-Hininga

Sa dinami-daming tao sa mundo
May nag-iisang para sa'yo
Kanyang pupunan ang 'yong pagkukulang
S'ya ang sasalo anumang ibato ng mundo

Ang'yong pag-alala, kanyang mapapakalma
Ang dating ayaw mo, ika'y magkakagusto
Ang isa'y dalawa, kayong dalwa'y iisa
Saan ka man magpunta, hindi ka na mag-iisa

Kaya pagal na puso, 'wag na 'wag susuko
May hihilom, sa mga sugat mo

Sa iyong mga patawa, ay 'di ka na papalya
Siya ang tanging bangka, 'pag baha nang 'yong luha
At 'pag naliligaw na, kamay nya ang 'yong mapa
Find more lyrics at ※ Mojim.com
S'ya ang antipara, pag malabo na ang 'yong mata

Kaya saradong puso, buksan muli ang iyong pinto
May kakatok
May kakatok
Balang araw

Sa dinami-daming tao sa mundo,
Aba'y akalain mong tayo ay magtatagpo

Nagkatugmahang puso, sa wakas simula na 'to
Buntong hininga
Buntong hininga
Mag buntong hininga kaya muna tayo…