Mojim Lyrics
Mojim Lyrics > Americas singers > Schizophrenia > Miscellaneous > Wasakan

Schizophrenia



Lyrics
Album list

Schizophrenia

Wasakan

Verse 1:(Harlem)
Tagalugin Schizophrenia:Suntok bawat mga linya.
Baliktarin man ay ganun padin yan, siksik paglapat ng tinta-
Hindi sa papel, kundi sa kalaban, kahit biglaan laging handa yan.
Kung tingin mo ito'y puro salita lang, tol sa'min ito ay patayan.
Lahat ng klase ng tao kasali mahirap o klase A.
Makabago na klasika, ang bagsak ko ay mas iba.
Tinaguriang baliw pagkat ako ang una sa kalokohan.
Kami ang makabagong aklat na magiging lunas sa kabobohan.
Espadahan ng salita, walang sugat yung dapat nandoon, yung napadaan lang ang hiwa.
Sa kataga na parang Katana, pag nakahasa punit ang papel.
Ganun pag hindi ako handa, pag nakakasa'y daig ang baril.
Bawat letra'y mga bala. Rekta ang mga bara.
Ubos hangin ng kalaban pagkatama rekta sa kanyang baga.
Hindi dura, PLEMA NG MAKATA ang aking binubuga.
Mga maling nakikieksena'y aking binubura.

Verse 2: (Shehyee)
Siksikan eksena parang sardinas sa lata.
Parang pila sa masang libreng bigas ang nasa.
Pinagpapawisan ang mga nagtatagisan na tanga.
Na kung sami'y kukumpara, mga 'Praktisan' lang pala.
Ako'y cobrang atat sa mga sobra sa whack!
Amputa, sa rap walang bukas sapagkat sa droga batak,
mga nota wasak.
'Soya ka lang?' 'Hindi' parang gomang batak ang aking pasensiya. Ang siyensya'y nilapag.
Nagfiesta't nilapang ang mga pesteng nilalang. Este, mga JEJE na bente lang halaga.
'S' ginagawang 'X'. 'G' ginagawang '6'.
Find more lyrics at ※ Mojim.com
Walang face, puro pisngi ang mga litrato ng mga 'to.
Mga tao ba 'to? Bakit ganito? ang hihina ng mga kokote.
Ipapasok ko na sa rehas, 'di na idadaan sa korte.
Pagdurog ng mukha ang forte, deretso na sa morgue ang mga gagong basta makapag rap 'PUTAPETE'.
Ang kaibahan, pag kami nag rap, 'Puta! PWEDE!'

Verse 3: (Juan Tamad)
Ang entablado kasi puro putapete na whack.
Uubusin namin kayo pre, hindi na pwede palpak.
Sa pamamagitan ng pagkabihasa sa anim na bara kaya makilalana
pamamarisan ng tamang hinala malalim na ata kaya 'di kinaya.
Hindi mo magaya? mukha bang dinaya? ganun talaga 'ko kapag bumato.
Nung pinuno niyo ay nilaro ko siguro, ganun din kayo ka bano.
Kahit na,
ika'y lumagok ng alak para lumakas ang loob,
Tiyak na,
magkukumahog na parang plato'ng aking tinaob.
Utak nabusog na mapaglaro. Handa ka buo ng sagradong libro.

Wala mang tunog, makakabato. At kahit pigilan 'di mapahinto.
Wala ng kabog, wala ng kaba. Halos hindi na makalkula
bawat buga ng mga salitang nagaapoy at di maapula.
naging abala sa pagsusulat, isa sa buto ng mga alamat.
sapagkat bumakat ang mga kagat bagamat bumuo ng sariling pamagat
ng katapangan hindi basta basta matatapakan ng kalabang humarang.
magkaubusan ng bala bahala ka na matuto sa putik gumapang.