魔鏡歌詞網
魔鏡歌詞網 > 歐美歌手 > Ogie Alcasid > The Great Filipino Songbook > Ngayon

Ogie Alcasid



歌詞
專輯列表
歌手介紹

Ogie Alcasid

Ngayon

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tama't mahusay,
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago ito ay maging kahapon
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon (ooh)
Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon,
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay ngayon

Sa buhay mong hiram
Mahigpit man ang kapit
May bukas na sa iyo'y di na rin sasapit(di na rin sasapit)
更多更詳盡歌詞 在 ※ Mojim.com 魔鏡歌詞網
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa'yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon
Ngayon...
Ngayon...